Mahigpit na binilinan ng barangay council ng Barangay Dasmariñas sa Makati City si Senator Manny Pacquiao at pamilya nito na manatili muna sa kanilang bahay dahil sa posibleng na-expose sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Kasunod ito na nakita ang Filipino boxing champion na nakasalamuha si Senator Koko Pimentel na nagpositibo sa nasabing virus.

Ngunit ito ang mensahe ng senador:

Mga kababayan, nais ko pong linawin na bago ko pa man natanggap ang sulat mula kay Barangay Captain Rosanna Hwang, nakapagsimula na akong mag-home quarantine.

Pagkatapos po ng Special Session sa Senado noong Lunes, March 23, ay hindi na po ako lumabas ng aming bahay.

Excited pa naman sana ako sa turn-over ng 57,600 Test Kits mula sa aking kaibigan na si Jack Ma para sa Manny Pacquiao Foundation ngunit minabuti kong manatili sa bahay.



Nalulungkot po ako na may mga kasamahan ako sa Senado na positibo sa Covid-19. Dahil nakasalamuha ko sila, alam ko na ako ay considered as Person Under Monitoring o PUM.

Huwag po kayong mag-alala. May natanggap po akong Rapid Testing Kits mula sa aking mga kaibigan sa South Korea. Gamit ang rapid test kit na approved sa Korea, ako po ay nag-negatibo. Hindi pa approved ng FDA dito pero yon po ang ginagamit sa Korea.

Matagal na po akong hinihikayat na magpa-test sa RITM ngunit Naniniwala po kasi ako na marami tayong Persons Under Investigation o PUI na dapat unahin pagdating sa testing.

nais ko pong ipaalam na sa kasalukuyan wala po akong nararamdaman na anumang sintomas. Ibang usapan na po kung meron akong kakaibang nararamdaman sa aking katawan. Once I experience symptoms, I am willing to undergo the swab testing for the sake of my family and my country, but I will go through the regular procedure.

Kahit naka-home quarantine, patuloy po akong maghahanap ng paraan upang makatulong sa ating mga kababayan, lalo na sa ating mga magigiting na frontliners. Marami pa pong test kits at medical supplies na darating na magagamit ng ating mga health workers sa buong bansa. Magkakaroon din po ng allocation ang DOH Regional Centers sa Visayas at Mindanao.

Hinihikayat ko ang lahat na makipagtulungan sa ating pamahalaan. Gawin po natin ang nararapat. Patuloy din po tayong magdasal at manalig sa Panginoon. Sa kanya po tayo humugot ng lakas at pag-asa. Malalampasan natin itong pagsubok, mga kababayan. Tiwala lang.



What can you say about this article? Please leave your comments below. Thank you for visiting Phil News!

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Post a Comment

Previous Post Next Post
loading...