Isang concerned citizen ang nagbahagi ng mga larawang kuha sa pamilihan na nagpapakita ng siksikang mamimili na tila nakalimutan ang social distancing na patuloy na pinapaalala ng hindi lang ng kanilang LGU kundi ng pamahalaang pambansa.
Sa post ni Getwell Soon sinabi niya:
kahit mag mask kpa oh mag alcohol kung ganyan katitigas ang ulo nyo hawa hawa kakalabasan natin nito! napapagod din kami sabihan kayo na 1meter ang distansya 10person every 5minutes ang pasok sa palengke para di maging crowded, pero tignan nyo, tama ba ginagawa ninyo, kayo pa nagagalit pag sinasabihan namin kayo, hays 😔 sana maramdaman nyo din ang nararamdaman namin kapag sinisigawan nyo kami nagagalit kayo kpag pinag mamask namin kayo nagagalit kayo kpag pinapa distansya namin kayo nagagalit kayo kapag iniispreyan namin kayo ng disinfectant, dba, sana sa inyo palang disiplina na agad pra di tyo pare parehas nahihirapan 😔
lock down pa more!
#pasigtigasngulo
Sa ngayon ay mayroon ng 147 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod, 25 dito ang pumanaw na at 31 sa mga ito ay gumaling.
Narito ang buong listahan ng mga kaso ng nakahahawang sakit kada barangay:
Post a Comment