Pinagsabihan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya ang mga opisyal ng barangay na wala silang awtoridad para maningil para sa pinamimigay na quarantine pass sa kanilang mga nasasakupan.

Ginawa ito ng opisyal dahil sa mga ulat na ilang barangay ang naniningil para sa iniisyu nilang quarantine pass at maging mga food stub.

READ: Mga barangay sa Taguig nag door-to-door sa pagbibigay ng home quarantine pass



Sana gamitin ng mga barangay captain at mga konsehal ang kanilang mga utak. Sa panahong ito, nakadagdag pa sila sa problema ng Pilipinas kung hindi nila pag-iisipang mabuti ang kanilang mga ginagawa,” sabi ni Malaya sa panayam ng himpilang DZBB nitong Linggo.

Binigyang-diin pa nito na wala namang binigay na pahintulot si Pangulong Rodrigo Duterte at maging ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IAFT-EID) para mag-isyu ng sarili nilang quarantine pass ang mga barangay.

Ayon kay Malaya, ang tungkulin ng mga opisyal ng barangay ay tulungan ang kanilang mga kalugar sa kinakaharap na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)


Sinabi pa nito na wala ring awtoridad ang mga barangay na maglagay ng mga checkpoint na hindi ikino-coordinate sa kanilang mga alkalde.

Binanggit pa ni Malaya na may mga ulat din na naglalagay pa ng kondisyon sa iniisyu nilang quarantine pass ang mga barangay katulad ng pagtatakda ng oras para bumili ng pagkain, gamot at iba pang pangangailangan ng isang pamilya.

Ayon kay Malaya, iligal ang mga ganitong ginagawa ng mga barangay at maaari silang panagutin sa batas.

READ: No Quarantine Pass Needed Within Pasig - Vico Sotto

Higit sa lahat, hindi na aniya kinakailangan pang magpatupad din ng lockdown sa kanilang lugar ang mga barangay dahil isinailalim na nga sa enhanced community quarantine ang buong Luzn,’

“Under the Luzon-wide quarantine, hindi na po kailangan ang local lockdown, except dun sa mga lockdown na extreme at para lamang ito mga hot zone na may maraming kumpirmadong COVID-19 cases,” ayon pa kay Malaya.

What can you say about this article? Please leave your comments below. Thank you for visiting Phil News!

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Post a Comment

Previous Post Next Post
loading...