Isang ginang ang ginagawang parausan ng tatlo niyang kapatid na lalaki habang ang dalagita niyang anak na may diperensiya sa pag-iisip ay dalawang beses namang inanakan ng sariling ama sa bayan ng Aglipay ng Quirino Province.

Ayon kay Aglipay Police Station chief, P/Capt. William Agpalza, personal na nagtungo sa kanilang himpilan ang mga opisyal ng Barangay Dumabel, Aglipay, Quirino kasama ang mag-inang biktima ng mga demonyo sa kanilang bahay para pormal na magharap ng reklamong panggagasa.

Ang ginang na 49 anyos ay itinago sa pangalang Felomina habang ang kanyang anak ay si Daisy, 17.
Si Daisy na sinasabing may depekto sa pag-iisip ay 8 buwang buntis ngayon at ang ama ay ang sarili niyang ama.

Ayon sa pulisya, noong 15-anyos pa lamang si Daisy ay inanakan na siya ng ama.

Natuklasan ang pang-aabuso ng ama kay Daisy kaya inaresto ito ng pulisya at nakapiit na ngayon.
Kamakailan, nalaman ni Filemona na ginagahasa rin pala ng dalawa niyang kapatid na lalaki o ng mga tiyuhin si Daisy kahit buntis na ito na kagagawan ng buhong na asawa.

Dito na napilitang magreklamo si Felomina laban sa mga kapatid sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa barangay.
loading...
Sa himpilan ng pulisya, umamin na rin si Felomina na maging siya pala ay matagal nang halinhinang pinagpaparausan ng tatlong kapatid na lalaki.

Sa salaysay ni Felomina, hindi na niya matandaan kung ilang beses  siyang ginahasa ng kanyang kuya na si alyas “Gusting”.

Anang ginang, hindi niya magawang tumutol sa panggagahasa ni Gusting dahil lagi itong may sukbit sa baywang ng matalas na itak.

Bukod kay Gusting, ginagawa rin siyang parausan ng dalawa pang kapatid na sina Pilo at Bianong. Palagi siyang tinatakot ng mga ito na papatayin silang mag-ina kapag tumutol at nagsumbong sa mga awtoridad.

Hindi naman magawang makapagsumbong ng ginang dahil ang kanilang bahay ay nasa bundok at malayo sa kabihasnan.

Ngunit ang hindi na masikmura ni Felomina ay nang malaman na pati ang kanyang anak ay nilalapastangan ng tatlong kapatid.

“Buntis na nga ang anak ko dahil sa hayop nilang ama tapos ay ginahasa pa siya ng aking demonyong mga kapatid,” ang salaysay ni Felomina sa pulisya.

Ayon kay P/Capt. Agpalza, mula sa kabundukan ay bumaba sa patag ang mag-ina at humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.

Nasa pag-iingat na ng barangay ang mag-ina at bumubuhos na ang mga tulong sa kanila. Inilapit na rin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kalagayan ni Daisy na malapit nang magsilang ng sanggol.

What can you say about this article? Please leave your comments below. Thank you for visiting Phil News!

Maki-balita sa Philippines Today sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

philippine news today  philippine news gma  philippine daily inquirer breaking news today  philippine news headlines  latest news philippines  philippine news headlines today  abs cbn news today  philippine star  abs-cbn news today  abs cbn news live  abs cbn news tv patrol  abs cbn entertainment  philippine news today  manila news  philippine news gma  abscbn news twitter  gma news weather  balita ngayon sa gma news tagalog  gma news and public affairs  24 oras news  gma news entertainment  gma news tv shows  gma news walang pasok  gma news tagalog version  philippine news today  philippine news headlines  philippine news gma  philippine news headlines today  philippine news tagalog  latest news philippines  philippine daily inquirer breaking news today  philippine newspapers

Post a Comment

Previous Post Next Post
loading...